Minamahal naming pangulo Rodrigo Roa Duterte,
Simula palang po ng
nakikita ko ang inyong mga ginagawa at naririnig ko ang mga salita sa t.v at
radyo ay lubos po akong natuwa at namangha at humanga sainyo. Nakita ko po ang
isang malaking pagkakataon upang mabago ang Pilipinas. dahil sa ipinakita
ninyong tapang at malaki ang maitutulong para sa mga kababayan nating mahirap.
kapos sa pera at kakayahan dahil sa inyong malasakit. Isa po ako sa taong
gustong gusto mawala ang krimen,korapsyon at droga sa ating bansa. Gusto ko
maging mapayapa at masaya ang mahal kong Pilipinas. Sa kabilang banda may ilan
kayong gusto ipatulad na hindi ko gusto gaya ng Martial Law. Nakakatakot din po
kasi kung puro patayan ang mangyayari. Mas mabuti po siguro na ikulong nalang
sila ng pang habang buhay. yung mga taong talagang wala ng tiyansang magbago
kesa sila ay patayin.
Lubos na gumagalang,
Leonard R, Calayag
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento