Sabado, Abril 1, 2017

Real Life (Experience)

                                                            "DROWNING"
          Ito ang isa sa pwede kong maishare sainyo, Nagpipicnic kami ng araw na iyon sa Hondagua, sa Lopez,Quezon. Madami kami halos kaming boung pamilya. 10 years old palang ako noon ng may hindi inaasahang pangyayari, Naliligo kami noon sa dagat magkakasama kaming magpipinsan, Masyado pang mababaw noong mga oras na yun kaya kahit san magpunta yung mga Ate at Kuya namin nasunod padin kami ng isa kong pinsan, Maya-maya bigla kaming nakaramdam ng paglalim ng tubig kaya agad kaming lumangoy, Napaka-bilis ng pag lalim ng tubig kaya di na namin nakayanan ng pinsan ko ng lumangoy, Mabuti nalang at may kasama kaming matanda noon , Unang sinagip yung pinsan ko, at ako ang dami ko ng nainom na tubig dagat bago ako masagip. Laking tampo ko nun sa mga kamag-anak ko dahil bakit huli akong sinagip e mas malapit ako dun sa sinagip at mas malalim yung pwesto ko. At ito lang ang maiishashare ko . Muli ako nga pala si Leonard R, Calayag at maraming salamat sa pagbabasa ng aking maikling karanasan.

Humss

Beneficals of HUMSS
Pumasok ako ng Senior High School nang hindi ko alam kung ano ang HUMSS . Ni wala akong nakalap na inpormasyon mula dito. ABM talaga sana ang kukunin ko kaso nga lang yung mga kateam ko sa Basketball mga ka Varsity player ko e HUMSS ang kinuha e pinilit nila ako kaya ayun nag HUMSS ako.

     Ang HUMSS o Humanities and Social Sciences ay strand sa Senior High saan nakapaloob ang mga kursong Political Science, Sociology, Priesthood, Law at Community Studies.
         Ang HUMSS ay ang pangalawang strand sa Academic Track, katulad ng ABM, ang HUMSS ay nag ooffer ng eight specialized subjects na Creative Writing at Creative Nonfiction para sa mga gustong maging manunulat. Intro to World Religions and Beliefs system para sa mga gustong maging pari at madre. Critical Thinking in the 21st Century Culture para sa mga gustong maging Sociologist, Philippine Politics and Governance para sa mga gustong maging Political Scientist. Contemporary arts para sa mga gustong maging Artist sa larangan ng Sining, at Discipline and Ideas in the Social Sciences para sa mga gustong maging maging Psychiatrist.
         Dahil gusto kong mag Marine sa aking paglaki, kaya ito ang kinuha kong Strand  Mapapag-aralan ko at sasanayin ko ang aking sarili na maging disiplinado kung sakali mang maging isang Marine ko balang araw kaya ito ang kinuha kong strand.

 Sa HUMSS, walang masyadong demand pag kinuha mo ito, at maganda pa dito, mas madali ang mga subjects na pinag-aaralan kumpara sa ibang strand. Madami kang matututunan tungkol sa buhay, madaming realizations na madadala mo sa pagtanda.

Madaming benepisyo ang makukuha sa strand na ito, kaya mag-HUMSS na kayo.

Biography

Facebook Post
2014
Ipinost ni Kier ang litrato na to noong November 4, 2014 na may caption na ":)" Meron itong 15 likes.

 2015
Nagpalit ng litrato si kier noong January 16, 2015 kasama ang kanyang mga kaibigan meron itong 45 likes at isang komento

2016
Ipinost ni Kier ang litratong ito noong February 04, 2016 na may captio na "hahaha huwag ng hugutan ng caption !!!!" Meron itong 37 likes at 2 komento.

2017
Nagpalit ng profile picture si Kier nung January 1, 2017. na may captio na "Life is not a problem to be solved, but reality to be experienced " Meron itong 67 likes at 5 komento.
💀

PROFILE PICTURES

Ito ang ilan sa Profile Picture ni Kier.

Sariling Tingin sa Kanya outside Facebook.
        Sa totoo lang first impression ko kay Kier, Mayabang sya at medyo maangas gumalaw, Yun pala kaya ganun sa kumilos mahilig syang sumayaw at dun ko nalaman na kasali pala sya sa isang grupo ng mananayaw at dun ko nakita kung gano sya makisama at mabait sya,







Photo Essay

Mahirap kumita ng pera lalo na kung kapos sa kaalam at kulang ka sa pag aaral.

Ito ang isa sa pinagkakakitaan ng mga tao sa Lopez,Quezon sa Brgy,Gomez,Brgy,Guihay,Brgy,Sta,Teresa,Brgy Sta Lucia,Mahirap,mainit at mabigat bakas sa kanilang pawis kung gano to kahirap gawin. Ito ang ginagawa nila araw-araw ang pagtipa at pag maniho ng skit sa riles.
Ganun pa man hindi lang naman ito para sa kanila kung hindi nakakatulong din sila sa mga taong nangangailangan ng sasakyan papunta sa malayong lugar.
Mahirap mag trabaho dahil sa sobrang pagod at hirap nito kaya lahat ng dapat gawin ginagawa nila may makain lamang.

Ngunit gano man kahirap ang ginawa nila , Bakas parin sa kanilang mga mukha ang saya sa ginagawa nila araw araw.

Makita lang nila na masaya ang pamilya nila.
Basta may makain sila araw araw . Lubos na silang natutuwa.
Ganto ang buhay sa probinsya. Hindi naman mahirap masaya naman.
Araw-araw tinatahak nila ang pagpila para makakuha lang ng pasahiro.
Sabi nga ng nakararami, "sa probinsya, libre lahat", siguro ay dahil pipitas ka na lang sa tabi-tabi.
Sa probinsya mo talaga makukuha ang sarap ng pamumuhay.






Ayon kay Abadilla

1.Ayon kay Alejandro Abadilla ang kahulugan ng salitang sanaysay ay ang pormal na sulatin tulad ng panunuring pampanitikan ng nag babahagi ng seryusong usapan o magagandang usapan
2.Ang naging tunguhin ng sanayay sa kasaysayan ng panitikang filipino.Itoy naging daluyan ng ideolohiya pilipinas at ang sanaysay na pinalaganap na anyo ng pagpapahayag o ginagamit ang sanaysay mula sa simpleng eksam tungo sa tesis at pananaliksik
3.Maiituturing na sanaysay ang talambuhay dahil makikita ang personal na pagpapahalaga ng may -akda sa isang karanasang pamilyar sa nakakarami.Kung sa ibang tao ay isang nakakalungkot na sitwasyon ang hindi pagkakaroon ng sariling buhay at paulit-ulit na paglilipat
4.Ang naging ambag na sanaysay bilang anyong pampanitikan ay ang maraming uri at anyo ang sanaysay tulad ng pormal at impormal.Tulad ng ibang anyong pampanitikan laging napapanahon at patuloy na nagbabago ang anyo ng sanaysay batay sa gamit at mambabasa nito
5.Nilikha ang sanaysay para po mas maintindihan po ng maraming tao ang paggamit ng sanaysay tulad ng ideya orginisasyon at paniniwala,malinaw na layunin at iba pa
6.Ang mga lumitaw na isyo ukol sapagsasanaysay sa pilipinas ay ang mga isyo tulad ng Martial law na ang bawat manunulat ay hindi pinapayagan na gumawa ng mga sanaysay laban sa gobyerno lalo na sa kanilang pangulo
7.Ang pagkakaiba ng pormal at impormal na sanaysay ang pormal na sanaysay ay nagsasaad ng seryuso, at maayus at nauugnay na salita samantalang ang impormal naamn ay ginagamit sa pagpapatawa at ito'y hindi masyadong seryuso ang usapan
8.Ang mga katangian ng malikhang sanaysay ay gumagamit ng mga malalalim na salita para mas lalo nilang masabi/masulat sa aking o anong nasa isip nila estilo ng mananalaysay na nakabatay sa kanyang interes at pagpapahalaga
 9.Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil ito ay mabenta sa mga tao ang malikhaing sanaysay ay napapanahon ito at pwede kahit sa anong taong gulang palang


10.Itinuring na malikhang sanaysay ang blog/blogging dahil maituturing na malikhain ang blog dahil sa dami ng taong tumatangkilik dito sa sobrang kasikatan kasi ginagamit na ang termino sa telebisyon sa pamamagitan ng palabas noon sa blog sa studio 23.0 channel 23.

REPORTAGE

                                                       "Human Rights Day"
         Disyembre 10, 2016, alas-nuwebe ng umaga ang itinakdang oras para simulan ang programa ng Human Rights Day sa Pacific Mall, Lucena City na pinangunahan ng Anak ng Quezon. Pero, syempre, pilipino nga naman, kaya nagsimula ay alas-diyes na!

            Uso pa rin pala ang "Filipino Time". Ako naman, dahil nakikiuso, dumating ako sa venue ay 10:30 na.

           Pagkarating ko ay nakita ko silang mga naka-upo na at may nagsasalita na sa unahan, 'yung tipong hindi mo alam kung saan ka uupo at puro sila ay nakatingin Habang pa-upo kayo.
Anyways, narinig ko lang dun sa babae ay yung tungkol doon sa pagpapalibing kay Dating Pangulong Marcos.
          
           Ayun, inexplain n'ya 'yung mga nagawa ni Marcos noong ito pa ang pangulo ng ating bansa.
Nung matapos ang event, napagtanto ko na hindi pala sapat ang aking mga nalalaman tungkol sa Martial Law, at marami pa akong nalaman tungkol sa karapatan ng bawat isa na pinagwalang-bahala ng taong walang ibang inisip kundi ang sarili nila.

Letter for President Rodrigo Roa Duterte

Minamahal naming pangulo Rodrigo Roa Duterte,
          Simula palang po ng nakikita ko ang inyong mga ginagawa at naririnig ko ang mga salita sa t.v at radyo ay lubos po akong natuwa at namangha at humanga sainyo. Nakita ko po ang isang malaking pagkakataon upang mabago ang Pilipinas. dahil sa ipinakita ninyong tapang at malaki ang maitutulong para sa mga kababayan nating mahirap. kapos sa pera at kakayahan dahil sa inyong malasakit. Isa po ako sa taong gustong gusto mawala ang krimen,korapsyon at droga sa ating bansa. Gusto ko maging mapayapa at masaya ang mahal kong Pilipinas. Sa kabilang banda may ilan kayong gusto ipatulad na hindi ko gusto gaya ng Martial Law. Nakakatakot din po kasi kung puro patayan ang mangyayari. Mas mabuti po siguro na ikulong nalang sila ng pang habang buhay. yung mga taong talagang wala ng tiyansang magbago kesa sila ay patayin. 



Lubos na gumagalang,
Leonard R, Calayag


Autobiography

                                       

                                           "Glass"


      Sa baranggay namin noon pag narinig mo ang pangalang "Gary boy" yan ang isa sa pinakamakulit na bata at ako yun. nagtaka ako kung bakit gary boy ang pangalan ko yun pala kinuha yun sa palayaw ng tatay ko na Gary. Pagtungtong ko ng Grade 1. Dun ko nalaman yung totoo kung pangalan na Leonard R, Calayag nung panahon nayun ninang ko pa ang nagtuturo sa akin para susugin ang pangalan ko at masanay. Kaya ninang ko ang nag-aalaga sakin kasi ilang taon palang ako nun ng iwan kaming mag-ama ng nanay ko kaya ayun nag decide yung daddy ko na magtrabaho sa Manila. at iwan ako sa mga kumapare nya, sa lola, sa ninang ko marami akong bahay dati. Kaya sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso nagtataka ako kung bakit sila naghahanda kinabukasan at dun ko nalaman na ang birthday ko pala ay February 15. At 2000 ang taon ng kapanganakan ko. Buti na nga lang hindi Val,Valentino o kahit anong pangalan na konektafo sa Valentines Day. Dahil ang pangalan ko kinuha sa pangalan ng tstso ko na Leonardo. Dahil lalaki ako nagmana ako sa tatay ko magpapantay na kami ngayon kasi sya 5'9 ako naman e 5'8 palabg siguro tatangkad pa ako. Dahil siguro sa Height ko mah nakakita ng potential ko ksya dito ako nag-aaral ngayon sa Lucena City. Sabi nila tahimik lang daw ako. Siguro may tamang pag-iisip na di kagaya dati na sutil akong bata Dahil siguro sa araw-araw na napapawisan ako malakas ang pangangatawan ko. At kaya ko itong isakripisyo kung kailangang gawin ang isang bagay. Ang tatay ko isa sa sikat na manlalaro ng basketball sa Lopez kaya tuwing naglalaro sya sinasama niya ako pag may nakakasakit sakanya nagagalit ako at parang gusto kong pumasok sa loob ng court at suntukin yung nakakasakit sakanya kaya pagtongtong ko ng Grade 6 sinubukan kong maglaro ng basketball pag nauwi ako lagi akong may sugat may bukol at may bangas ang mukha ko Sa edad na 17 di pa naman ako nagkakasakit ng malala at hindi ako masyadong nagkakasakit siguro dahil nga sa pagbabasketball ko madami itong naidadagdag nito sa katawan ko para di ako maging sakitin. Habang naglalaro ako ng basketball pagtalon ko para erebound ko yung bola di ko inaasahan na sa pagbagsak ko sa paa ng kalaban at dun ako nagsimulang magkaroon ng injury sa aking ankle. Nangamba ako kaya pumunta kami sa Holy Rosary Sa Lopez,Quezon isang Hospital para ipa X-ray ang ankle ko mabuti nalang at wala daw akong serious injury Pag sinabi mong Calayag sa baranggay Gomez,Lopez,Quezon malalaking tao yan at mga manlalaro ng basketball yan ang lahi namin Sa kabila ng pakikipag-kaibigan namin madami na kaming nakabarka na gumagamit ng mariwana,sigarilyo,alak pero di namin yun sinubukan kasi alam naman namin na wala namang mangyayari Napaka pansinin sa akin ng aking mga dimples da pisngi pati yung height ko kasi matangkad daw ako at yung lapad ng katawan ko.
           
     Pag ako ay nag-iisa lang sa bahay/boarding house ginagamit ko ang imagination ko sa future ko at ng pamilya ko na malayo na ang narating ko isa na akong NBA player at nabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko at ang mabobou kong sariling pamilya Nagkekwentuhan kaming magtotropa maya naya lang nagtatalo talo na sila kasi yung iba ay slow at sumingit na ako at ipinaliwanag na ng maayos aboug dun sa bagay na pinagtatalunan nila. At pagjujudge naman di naman ako harap harapan pag lang talagang sumusobra na at umasta kung sino tsaka ako nagsasalita. Takbo, hawak ng bola, talon, Aral yang ang buhay ko araw araw isang damakmak na pawis ang nawawala sa akin dahil sa pagtatraining . Pero kadalasan pagkatapos ng lahat ng gawain ko. Ayun nararamdaman ko na ang pinakamalungkot kung buhay dahil namimiss ko na ang aking pamilya Naglalakad ako sa amin sa lopez tapos may tumawag sa akin ng idol lumingon naman ako at nakita ko yung mga batang nakakasama ko sa computer shop yun mga batang hindi manlang mapawisan at batad ang mga mata maghapon sa pagcocomputer at isang araw nagtanong sila sa akin idol pano ba magbasketball. Sabi ko madali lang yan kung handa ka mapagod,masaktan at matoto. Bumili ka muna ng bola at araw-araw kang mag dribble. At yun na nga sa paglalakd kung yun. yun ay katanghaliang tapat alas dose natuwa ako sa mga batang iyon natalagang nagtyaga Kumakanta ako paminsan-minsan lalo na pag may video okie sa bahay namjn sumasayaw din ako at nakakasali pa nga ako pag may event noon sa school namin. Ngunit hindi naman ako ganun kagaling at wala akong oras para pagtuunan yun dahil ang aking tagalang pinagsisikapan ay ang pagbabasketball ko kasi ito ang talent ko ito ang passion ko Grade 6 ako nun ng makasana ako sa palarong STCAA 2011-2012 okay langnaman kahit talo kami pero kung tutuusin kaya saba namin makapasok sa finals kaso lang naprotesta kami ng San pablo kasi tinambakan namin sila ng 20 points dahik daw wala kaming paris ng short kasi di pa tapos gawin nung mga oras nayun kaya kami nalaglag . pero kahit talo kami okay lang. at pag uwi ko bigla akong nagkabulutong kaya nung Recognation day namin puro peklat angmukha ko nung kuhain ko ang award na Athlete of the year pati nung graduation day namin Nag uwi si daddy noon kasi bakasyon niya sa trabaho nag-iinoman silang magpipinsan. Pinabili ako ni daddy ng alak at lagkakarinig ko ibigay mo dun sa kabila kasi msy nsg iinoman din nung mga oras nagun at pagkabili ko binigay ko agad at pagbalik ko ng sukli kay daddy at hinanap ni daddy yung alak sabi ko sabi nyo po ibigay ko sa ksbila tas sabi ni daddy sa amin yun. Okay lang maigi naman at marunong ka sa iba. Kaya ngayon di na ako masyadong inuutusan pag sa malalapit si daddy na ang bumibili kaya tingin ko yun ang malaki kung pagkakamali Dahil si daddy ay pala kaibigan tingin ko namana ko namana ko yun sakanya kasi kahit saan wala pa naman akong nakakaaway halos lahat nga ng nadadaanan ko sa lopez kaibigan ko kakilala ko sa court sa computer shop at sa school 7 years old ako noon may natirang isang mag-anak sa tapat ng bahay namin ngunit wala yung tatay nila kasi nagtatrabaho sa ibang bansa tapos nakita ko yung anak nilang babae at dun ko naramdaman ang puppylove at pagkatapos nun lagi namin syang kalaro one time nga nagkasama kaming dalawa sa isang taguan dun ko naramdaman ang salitang kilig, Halos di ako makaimik nun lagtungtung nya ng Grade 6 at nakagraduate na sya di inaasahang umalis silang mag-anak Sa basketball talaga ako nakilala ng marami kahit sino kilala ako basta player ng basketball sa Lopez sabi nil mabait daw kadi akong kalaro at hindi madaya.
              
      Isa akong Varsity player sa Calayan Educational Foundation Inc, Naglalaro lang ako dati sa mga liga ngunit ng dahil sa isa kong kateam dati sa school namin na sa Calayan nag aaral inakit nya akong mag try out at napasok naman ako bilang Varsity player inoperan kami ng libre bahay dito sa St.Jude naglipat kami dito mula nung June . 8 months na kaming naninirahan Naninirahan kami dito ng libre pero pag minsan kami nag-aambagan kami sa tubig,kuryente, Kanya kanyang pagkain at pamasahi gastusin sa school at mga sabon Sa bahay namin maingay lagi. Lagi kaming bagbibiruan tas magulo kami lagi kami'y naghaharutan kahit malalaking tao kami Paborito kong lugar sa bahay ay yung kwarto. Dito ako nagrereview,nagchacharge ng cellphone, at syempre humihiga dito rin ako nagsusulat at dito ako nagmumukmuk pag iisip ko ang aking pamilya Pinakamasayang pangyayari pag nandito sa bahay pag nagjajamming kaming lahat Sa walong buwan na paninirahan namin dito wala pa naman masamang nangyayari sa bahay na ito Pag mag-isa lang ako dito sa bahay natutulala ako at naiisip ko ang aking pamilya at dun ko malalaman na namimiss ko sila Lagk kong tinatago sa gamit ko ay ang aking sabonan kasi minsan may gumagamit ng aking gamit pero hindi naman binabalik Sa bahay namin lahat nalalaman walang tinatagong sekreto kaya sa aming bahay pag may gustong sabihin sinasabi agad Pero di ako ganun kasaya sa paninirahan namin dito dahil sobrang lungkot ko dahil sa aking pamilya naiisip ko sila at dun ko sila lalong namimiss pero magtitiis parin ako kasi para da amin din lahat ng ginagawa kong ito .

Taclob

                                        "HULING HALAKHAKAN"

  Ang film na taklub" ay para sa mga tao na nakaranas ng trahedya dulot ng bagyong Yolanda sa tacloban. Ang bagyong Yolanda. 'yan'yong sumira sa mga taga. Tacloban nasira ang maraming mga ari-arian at mga buhay na nasawi sa trahedya at kabuhayan ng mga tao sa Tacloban.
           Simula pa lang ng film, nakuha n'ya agad ang atensyon ko nito sapagkat hindi ito bastang film lang napakaseryusong kwento. Unang kita ko palang sa film, Nasunugan sina Renato ng bahay bago lumipas ang bagyong Yolanda. Nawalan ng pag-asa si Renato at gusto nya magpakamatay. Gusto n'ya lumaot at malubog ang kanyang bangka para makain daw s'ya ng malalaking pating.
          Bebeth:Renato, Oh para sayo tulong namin sa'yo tulong naminv mga taga-Brgy, Sandy Beach. Renato (Umiiyak) *Tinulungan si Renato ng kanyang taga-baranggay. dahil kaawa awa 'sya at wala ng sa kanyang tumutulong. 
         Ninanais ni Direk Brillante Mendoza sa pelikulang taklub . na ibalik at ipakita ang pangyayari noon sa Tacloban na hindi agad tumugon ang gobyerno upang makita ang lahat ang pagkukulang ng administrasyon ng ng Pilipinas.
          Nagkaroon ng bagyong Yolanda sa Tacloban. At ang mga taga tacloban ang nagsakripisyo ng lahat ng hirap ng bagyong Yolanda. Marami ang nag buwis buhay, marami ang nawalan ng buhay. Mahirao sa kanila yon pero pipilitin nila na bumangon para sa sarili nila.
           Binigyan ni Bebeth nang nalikom n'yang pera si Renato bilang pagtulong sa kanya ng mga taga-Brgy Sandy Beach. Pinakita ang aktwal na dinanas ng mga taga-Tacloban noong ika-2014. Nagkaroon ng trahedya at marami ang mga namatay at nawalan ng buhay. 
           Ang film na ito na ginawa ni Direk Brillante Mendoza ay nagpapakita na ipaalan sa lahat ng tao ang dinanas ng mga taga. Tacloban sa bagyong yolanda, para magbigay aksyon para sa kanila ang nangyayari para hindi na maulit ang gano'n trahedya sa Pilipinas, At isa pa rito ang hindi pagbigay aksyon agad ng gobyerno. Ang film. na ito ay nagpapakita sa mga namumulitika at maging aral sa kanila upang ayusin ang kanilang pamamahala sa bansa.

Interview

                           "Rosaryo,Ballpen,Bibliya,Libro"

          Masasabi natin na madaling maging malaya, maayos ang huhay, at hindi pinagbabawalan, Ito ang isa sa aking nainterview, isang teacher, At isa ring sakristan noon na hindi na piniling mag-pari dahil gusto rin niyang mag-asawa. 44 na taong gulang siya nakatira sa Calauag,Quezon. Natanong ko kung masaya ba siya sa napili niyang gawin o desisyon. At masaya naman daw siya sa kanyang pagtuturo. Subalit sa kanyanf malambot na salita, Nahalata ko na bading siya kaya hindi ako nahiyang magtanong. Agad kung tinanong iyon. "Sir bakla ka po ba? Oo, anak bakla ako "Eh sir pa'no po 'yun, 'diba sa simbahan bawal ang bakla, "tanong ko. "Oo sabi niya. Bawal pero tanggap naman tayo ng simbahan, at isa pa, wwla naman akong masamang ginagawa, namumuhay ako nang maayos at wala akong dinadaya sa boung buhay ko. At tsaka alam mo anak. Hindi naman ako bakla lang, "Dagdag niya. Nagulat ako. "Bakit po? Ano pong ibig sabihin nyo sa "Lang"? "Ikakasal ako, anak. Sa babae din," Sagot niya. Ah! kaya po pala hindi kayo nag-pari. Hindi naman sa ganu'n. Mas gusto ko lang talaga magturo kesa mag-pari." Ah okey po sir. At sa kahabaan ng pag uusap namin, Biglang tumawag sa akin ang aking tatay kaya agad akong umuwi kasi nag brown out sa Lopez walang kasama ang aking step mother at kapatid. Kaya, nagpaalam na muna ako at nagpasalamat wag ko nalang daw sabihin pangalan o itago nalang daw sa pangalang Sir P.