Ito ang isa sa pwede kong maishare sainyo, Nagpipicnic kami ng araw na iyon sa Hondagua, sa Lopez,Quezon. Madami kami halos kaming boung pamilya. 10 years old palang ako noon ng may hindi inaasahang pangyayari, Naliligo kami noon sa dagat magkakasama kaming magpipinsan, Masyado pang mababaw noong mga oras na yun kaya kahit san magpunta yung mga Ate at Kuya namin nasunod padin kami ng isa kong pinsan, Maya-maya bigla kaming nakaramdam ng paglalim ng tubig kaya agad kaming lumangoy, Napaka-bilis ng pag lalim ng tubig kaya di na namin nakayanan ng pinsan ko ng lumangoy, Mabuti nalang at may kasama kaming matanda noon , Unang sinagip yung pinsan ko, at ako ang dami ko ng nainom na tubig dagat bago ako masagip. Laking tampo ko nun sa mga kamag-anak ko dahil bakit huli akong sinagip e mas malapit ako dun sa sinagip at mas malalim yung pwesto ko. At ito lang ang maiishashare ko . Muli ako nga pala si Leonard R, Calayag at maraming salamat sa pagbabasa ng aking maikling karanasan.
Creative Nonfiction
Sabado, Abril 1, 2017
Humss
Beneficals of HUMSS
Pumasok ako ng Senior High School nang hindi ko alam kung
ano ang HUMSS . Ni wala akong nakalap na inpormasyon mula dito. ABM talaga sana
ang kukunin ko kaso nga lang yung mga kateam ko sa Basketball mga ka Varsity
player ko e HUMSS ang kinuha e pinilit nila ako kaya ayun nag HUMSS ako.
Madaming benepisyo ang makukuha sa strand na ito, kaya mag-HUMSS na kayo.
Pumasok ako ng Senior High School nang hindi ko alam kung
ano ang HUMSS . Ni wala akong nakalap na inpormasyon mula dito. ABM talaga sana
ang kukunin ko kaso nga lang yung mga kateam ko sa Basketball mga ka Varsity
player ko e HUMSS ang kinuha e pinilit nila ako kaya ayun nag HUMSS ako.
Ang HUMSS o Humanities and Social
Sciences ay strand sa Senior High saan nakapaloob ang mga kursong Political
Science, Sociology, Priesthood, Law at Community Studies.
Ang HUMSS ay ang
pangalawang strand sa Academic Track, katulad ng ABM, ang HUMSS ay nag ooffer
ng eight specialized subjects na Creative Writing at Creative Nonfiction para
sa mga gustong maging manunulat. Intro to World Religions and Beliefs system
para sa mga gustong maging pari at madre. Critical Thinking in the 21st Century
Culture para sa mga gustong maging Sociologist, Philippine Politics and
Governance para sa mga gustong maging Political Scientist. Contemporary arts
para sa mga gustong maging Artist sa larangan ng Sining, at Discipline and
Ideas in the Social Sciences para sa mga gustong maging maging Psychiatrist.
Dahil gusto kong mag
Marine sa aking paglaki, kaya ito ang kinuha kong
Strand Mapapag-aralan ko at sasanayin ko ang aking sarili na maging
disiplinado kung sakali mang maging isang Marine ko balang araw kaya ito
ang kinuha kong strand.
Sa HUMSS, walang masyadong demand pag kinuha mo ito,
at maganda pa dito, mas madali ang mga subjects na pinag-aaralan kumpara sa
ibang strand. Madami kang matututunan tungkol sa buhay, madaming realizations
na madadala mo sa pagtanda.
Madaming benepisyo ang makukuha sa strand na ito, kaya mag-HUMSS na kayo.
Biography
Facebook Post
2014
2015
2014
Ipinost ni Kier ang litrato na to noong November 4, 2014 na may caption na ":)" Meron itong 15 likes.
Nagpalit ng litrato si kier noong January 16, 2015 kasama ang kanyang mga kaibigan meron itong 45 likes at isang komento
2016
Ipinost ni Kier ang litratong ito noong February 04, 2016 na
may captio na "hahaha huwag ng hugutan ng caption !!!!" Meron itong
37 likes at 2 komento.
2017
Nagpalit
ng profile picture si Kier nung January 1, 2017. na may captio na "Life is
not a problem to be solved, but reality to be experienced " Meron itong 67 likes at 5
komento.
💀
PROFILE PICTURES
Ito ang ilan sa Profile Picture ni Kier.
Sariling Tingin sa Kanya
outside Facebook.
Sa totoo lang first impression ko kay Kier, Mayabang sya at medyo maangas gumalaw, Yun pala kaya ganun sa kumilos mahilig syang sumayaw at dun ko nalaman na kasali pala sya sa isang grupo ng mananayaw at dun ko nakita kung gano sya makisama at mabait sya,
Photo Essay
Mahirap kumita ng pera lalo na kung kapos sa kaalam at kulang ka sa pag aaral.
Ito ang isa sa pinagkakakitaan ng mga tao sa Lopez,Quezon sa
Brgy,Gomez,Brgy,Guihay,Brgy,Sta,Teresa,Brgy Sta Lucia,Mahirap,mainit at mabigat
bakas sa kanilang pawis kung gano to kahirap gawin. Ito ang ginagawa nila
araw-araw ang pagtipa at pag maniho ng skit sa riles.
Ganun pa man hindi lang naman ito para sa kanila kung hindi
nakakatulong din sila sa mga taong nangangailangan ng sasakyan papunta sa
malayong lugar.
Mahirap mag trabaho dahil sa sobrang pagod at hirap nito
kaya lahat ng dapat gawin ginagawa nila may makain lamang.
Ngunit gano man kahirap ang ginawa nila , Bakas parin sa
kanilang mga mukha ang saya sa ginagawa nila araw araw.
Makita lang nila na masaya ang pamilya nila.
Basta may makain sila araw araw . Lubos na silang natutuwa.
Ganto ang buhay sa probinsya. Hindi naman mahirap masaya
naman.
Araw-araw tinatahak nila ang pagpila para makakuha lang ng
pasahiro.
Sabi nga ng nakararami, "sa probinsya, libre
lahat", siguro ay dahil pipitas ka na lang sa tabi-tabi.
Sa probinsya mo talaga makukuha ang sarap ng pamumuhay.
Ayon kay Abadilla
1.Ayon kay Alejandro Abadilla ang kahulugan ng salitang
sanaysay ay ang pormal na sulatin tulad ng panunuring pampanitikan ng nag
babahagi ng seryusong usapan o magagandang usapan
2.Ang naging tunguhin ng sanayay sa kasaysayan ng panitikang
filipino.Itoy naging daluyan ng ideolohiya pilipinas at ang sanaysay na
pinalaganap na anyo ng pagpapahayag o ginagamit ang sanaysay mula sa simpleng
eksam tungo sa tesis at pananaliksik
3.Maiituturing na sanaysay ang talambuhay dahil makikita ang
personal na pagpapahalaga ng may -akda sa isang karanasang pamilyar sa
nakakarami.Kung sa ibang tao ay isang nakakalungkot na sitwasyon ang hindi
pagkakaroon ng sariling buhay at paulit-ulit na paglilipat
4.Ang naging ambag na sanaysay bilang anyong pampanitikan ay
ang maraming uri at anyo ang sanaysay tulad ng pormal at impormal.Tulad ng
ibang anyong pampanitikan laging napapanahon at patuloy na nagbabago ang anyo
ng sanaysay batay sa gamit at mambabasa nito
5.Nilikha ang sanaysay para po mas maintindihan po ng
maraming tao ang paggamit ng sanaysay tulad ng ideya orginisasyon at
paniniwala,malinaw na layunin at iba pa
6.Ang mga lumitaw na isyo ukol sapagsasanaysay sa pilipinas
ay ang mga isyo tulad ng Martial law na ang bawat manunulat ay hindi
pinapayagan na gumawa ng mga sanaysay laban sa gobyerno lalo na sa kanilang
pangulo
7.Ang pagkakaiba ng pormal at impormal na sanaysay ang
pormal na sanaysay ay nagsasaad ng seryuso, at maayus at nauugnay na salita
samantalang ang impormal naamn ay ginagamit sa pagpapatawa at ito'y
hindi masyadong seryuso ang usapan
8.Ang mga katangian ng malikhang sanaysay ay gumagamit ng
mga malalalim na salita para mas lalo nilang masabi/masulat sa aking o anong
nasa isip nila estilo ng mananalaysay na nakabatay sa kanyang interes at
pagpapahalaga
9.Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil ito ay
mabenta sa mga tao ang malikhaing sanaysay ay napapanahon ito at pwede kahit sa
anong taong gulang palang
10.Itinuring na malikhang sanaysay ang blog/blogging dahil
maituturing na malikhain ang blog dahil sa dami ng taong tumatangkilik dito sa
sobrang kasikatan kasi ginagamit na ang termino sa telebisyon sa pamamagitan ng
palabas noon sa blog sa studio 23.0 channel 23.
REPORTAGE
"Human Rights Day"
Disyembre 10, 2016,
alas-nuwebe ng umaga ang itinakdang oras para simulan ang programa ng Human
Rights Day sa Pacific Mall, Lucena City na pinangunahan ng Anak ng Quezon.
Pero, syempre, pilipino nga naman, kaya nagsimula ay alas-diyes na!
Uso pa rin pala
ang "Filipino Time". Ako naman, dahil nakikiuso, dumating ako sa
venue ay 10:30 na.
Pagkarating ko ay nakita ko silang mga naka-upo na at may nagsasalita na sa
unahan, 'yung tipong hindi mo alam kung saan ka uupo at puro sila ay nakatingin
Habang pa-upo kayo.
Anyways, narinig ko lang dun sa babae ay yung tungkol doon
sa pagpapalibing kay Dating Pangulong Marcos.
Ayun, inexplain
n'ya 'yung mga nagawa ni Marcos noong ito pa ang pangulo ng ating bansa.
Nung matapos ang event, napagtanto ko na hindi pala sapat
ang aking mga nalalaman tungkol sa Martial Law, at marami pa akong nalaman
tungkol sa karapatan ng bawat isa na pinagwalang-bahala ng taong walang ibang
inisip kundi ang sarili nila.
Letter for President Rodrigo Roa Duterte
Minamahal naming pangulo Rodrigo Roa Duterte,
Simula palang po ng
nakikita ko ang inyong mga ginagawa at naririnig ko ang mga salita sa t.v at
radyo ay lubos po akong natuwa at namangha at humanga sainyo. Nakita ko po ang
isang malaking pagkakataon upang mabago ang Pilipinas. dahil sa ipinakita
ninyong tapang at malaki ang maitutulong para sa mga kababayan nating mahirap.
kapos sa pera at kakayahan dahil sa inyong malasakit. Isa po ako sa taong
gustong gusto mawala ang krimen,korapsyon at droga sa ating bansa. Gusto ko
maging mapayapa at masaya ang mahal kong Pilipinas. Sa kabilang banda may ilan
kayong gusto ipatulad na hindi ko gusto gaya ng Martial Law. Nakakatakot din po
kasi kung puro patayan ang mangyayari. Mas mabuti po siguro na ikulong nalang
sila ng pang habang buhay. yung mga taong talagang wala ng tiyansang magbago
kesa sila ay patayin.
Lubos na gumagalang,
Leonard R, Calayag
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)


















